Wednesday, January 1, 2014

SANA

Ang bilis ng araw.. akalain mu un bagong taon na.. panibagong taon na naman
panibago buhay o panibago yugto ng buhay? parehas ba un? oh magkaiba?
basta un na un.. 
maraming ng yari ngayong 2013 na to.. mula jan 2013 hanggang ngaun jan 2014 
pakiramdam ko wala ako nagawa matino..
wala din ako nagawa maayos 
at ang masama sa lahat wala ako natapos sa lahat na naumpisahan ko

ang naalala ko lang na natapos ngayon taong na ito..
 eh ung 5years
that all hahahaha
masakit mangsabihing 
nabalewala ang lahat na effort at sakripisyo na gawa ko
at least naging masaya na siya sa piling ng iba..
ang tanga ko ba naman kasi
nangako ako na ibibigay ko lahat na para sa kanya
pasensya na po tumupad lng ako sa pangako ko
alam mu kahit ganun ang ngyari mahal pa rin kita. sana marunong kadin magbasa ng blog
kaso kilala kita di mu to hilig kahit nga mga sulat ko noon sa note book ko at note book mu di mu pinapansin
nakakatuwa lang isipin ..
sa ganitong paraan tayo magkakahiwalay
hahaha .. un ang katotoohanan
sa buhay na makamundo

akalain mu yon 
nag-umpisa tayo masaya ako habang kasama ka at ng natapos tayo nakangit ako habang umiiyak
papalayo sayo
hanggang ngayon buo parin sa isip ko ung huling araw na pag kikita natin at sa huling  salita sinabi ko sayo na
" byebye "
pero
di mawala tlaga sa isip ko ung huling araw na un
pati nga korte ng mukha mu buong buo sa isip ko ung posisyon ng pagkakatayo mu sa gitna ng kalsada 
pati suot mong damit mo tandang tanda ko pa
kung iguguhit ko un siguro magagawa ko ng maayos yun
kaso para saan pa..
wala na e
pahihirapan ko lang sarili ko
kasi
 di na kitang tanggapin sa ngayon
alam ko naman na nagkulang ako
kasi
kung sapat lahat na bininigay ko para sayo 
di ka sasama sakanya
di ba totoo?
ang masakit paroon 
walang ka-effort effort ung ginawa niya para maangkin ka lang niya
samantalang ako
maraming pera at panahon ang sinayang 
para 
lang maging masaya ka

alam mo ba
 lahat na binigay mo itinago ko kahit ultimo maliit na bagay ay itiabi ko rin sa lalagyan ng sapatos
hahaha korni di ba

itatago ko to sa huling araw na pagiging binata ko
at tsaka ko ipapasunog sa magiging asawa ko
di ko ito ibabalik sayo 
nakakahiya naman sayo
ito nlang ang bagay na nagpapaalala sayo..
kya kahit papano bibigyan ko to ng halaga
na dapat hindi ko na ginagawa
sa loob ng 5years na tayo
lahat na meron ako meron ka din
hati tayo sa lahat
inayos ko sarili ko habang kasama kita
pinakita ko at pinaramdam ko na mahal kita
ay hindi pala.. 
mahal na mahal kita.. 
tanggap ko naman lahat na meron ka at kung ano ka
di naman ako naghahangad ng kung ano pang bagay
ang gusto ko lang e
maging masaya ka sa lahat na araw na magksama tayo

sa totoo lng
wala kang kasalanan 
nawalan ako ng time sayo
kasi mas inuna ko ang mga bagay na pagkakaperahan kesa sa monsary or anniversary natin
at di ko nagawa ang part ko bilang boyfriend mu
hanggang ngayon sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. kung di ako umalis edi sana tayo parin diba
e wala e nagyari na to.
panindigan nalng natin ang ng yayari at ang mangayari..
sa ngayon di ko pa kayang kausapin ka
 hayaan mu muna ako maging masaya 
at sana mahalin ka nya higit sa pag mamahal ko sayo...


Sa ngayon 
ang gulo ng isip ko di ko alam kung sino ipaglalaban ko at anu ang ipaglalaban ko
para saan ba ang ang lahat na ginagawa ko ngayon?
para saan nga ba? para sakin ba?para sa future ko?
para saan ba kaya nabubuhay  ako?
para saktan nyo ko, pahirapan,pagtawanan,pagmukhang tanga sa lahat?
para sayo ba ? o pra sa pamilya ko?
o para sa wala?
 di ko alam kung saan ako mag uumpisa ulit ngayong wala ka na
alam ko naman na wala kana
di ko lang talaga matanggap na 
dinapuan ako ng karma
 iniisip ko nalang na
sinusubukan ako kung gaano ako katatag


ipinasasalamat ko na lang ang lahat lahat na nangyari satin
kasi kung di ngyari to
di ko sya makikilala..
na nagpakita sakin reyalidad
nang pagiging tao
at pano ito lalabanan
hahahaha feeling ko inlove ako hahaha
*landi
hindi ko babanggitin ang pangalan niya kasi ayoko malaman nyo
kung sino sya di pa ako handa
kaya
sana ngayon 2014 
maipagpatuloy ko ang mga bagay na naumpisahan ko
at ang mga bagay na di ko natapos nitong nagdaang taon
 ipapangako ko ngayong 2014
di ako magbabago
at wala ako dapat bagohin
kung ano pagkakakilala nyo sakin
un na un
walang magbabago..
Ngayon 
marami ako natutunan 
di dahil sa ngyari satin
dahil sa lahat lahat ng katangahan ko

Ngayon  2014
masasabi ko na kaya ko na harapin 
ang lahat
di  ko  ako
mapapagod bumangon
 kasi
 alam ko sa sarili ko di ako nabubuhay 
para sa iisang tao lamang


At sana ngayon 2014
mahanap ko na sarili ko 
at sa pagbalik ko
sana
mahaba na ang buhok mu....
tanda ng panibago ikaw...

Monday, December 30, 2013

paano ba ito?

 Sa totoo lang wala ako alam sa larangan na to.. 
gusto ko lng subukan
kasi sabuong buhay ko 
papel at lapis lang ang madalas kong hawakan

may isang tao lng ako nakakilala marunong mag-blog
naintriga lng ako
kaya sususbukan ko
wala naman mawawala diba.

halos 3years din ako hindi na nagsusulat
sana ngayon
matutunan ko na to at
sana
mas humusay pa ako

di ko naman inaasahan na sisikat ako dito sa laranagang ito
ang gusto ko lang
mailabas ko  kong sino talaga ako
at
kung anu talaga  ako

sana naiintindihan nyo ako
tao din  din naman ako 
tulad
ng marami,nasasaktan,nahihirapan at umiiyak
pag di na talaga kaya

kaya sana
pagdating ng araw 
sana
 iba na ang laman ng blog na ito







first time ko ito