bulag,pipi at bingi?
bulag,pipi at bingi yan ako ngayon,kung saan marami ako nakikita ngunit bulag ako sa ngyayari ,nakakapagsalita ako ,ngunit pipi ako sa tunay kong nararamdaman at maraming magagandang himig ako naririrnig ngunit, bingi ako sa katotohanan.
Pilit kong ibukas ang mata ko sa lahat na maari kong makita ngunit nasasaktan ako sa nakikita ko kaya mas pipiliin ko nalang na pumukit at umiwas sa mga nakikita ko.
Pilit kong sinasabi sa lahat ng naisin ko ngunit di naman nila ako pinapansin kaya mas nanaisin ko nalang manahimik at lumayo nalang kesa naman mabalewala ako.
Pilit ko pinakinggan ang lahat na himig na naririrnig ko ngunit sa dulo nito ay puro matatamis na kasinungalingan lanman ang matatamo.
Hindi ko alam kung pinagkaitan lang ako ng tadhana? o ipinapakita na sakin ang tunay na mundo?na kung saan ako kabilang at kung saan ako nabubuhay. sinubukan ko ayusin ang mga bagay ngunit hindi ako pinalad,nagbakasakali ako ulit na maayos ngunit wala parin.hanggang kailan ako mananahimik sa nakikita ,naririrnig ko..? kung kailan huli na ba ang lahat? dapat ko pa silang pagkatiwalaan ? o dapat bang manahimik nalang ako? adami ng nayari a buhay ko parang isang panaginip nalang lahat..may magagandang nangyari sakin ngunit isang masasarap na alaala nalang ba iyon? panandalian lang ba talaga ang lahat ng bagay sa mundo? marami ako katanungang alam ko ang sagot pero hindi ako masaya sa resulta..meron pa ako hinahanap na mas magandang sagot sa lahat ng katanungan ko..Isa sa mga katanungan ko sa buhay.. bakit ba marami masasamang loob sa mundo? marami sagot dito.. isa dito sagot "PERA" kya sila kumakapit sa patalim dahilan sa gutom. nagiging bulag sila sa mga bagay na ginagawa nila.nagiging pipi sila dahil hindi nila gusto ipaalam na sa lahat ganun ang ginagawa nila ..nagiging bingi sila sa bagay na mali pero nagiging tama dahilan sa kanilang pangangailangan.. ?Hanggang kailan ba magiging ganito ang tao.. gahaman,marahas,mapusok at makatao pamamaraan.. gusto ko na na ito matigil.. Ngunit sa kada-indibitwal na tao.nagyayari to ..hindi ko alam kung anu ang dahilan nila bakit sila ganyan. hindi ko alam kung dapat ko apaba sila intindihin o hayaan ko nalang sila sa ginagawa nila. Ikaw masaya ka ba sa mga nakikita mu sa araw araw sa buhay mu? ako hindi. lalo't ganito ang sitwasyon ko..magulo utak ko sa mga bagay bagay na hindi ko naman dapat iniisip.. pero hindi naman ako tinatantatanan.. kaya nawawala na ako sa focus sa dapat kong unahin at dapat .maraming temptasyon na dumarating sakin pero hindi lahat naiiwasan at minsan di ti ko talaga kayang iwasan minsan ito pa ang dahilan kung bakit ako napapasama sa mga ginagawa ko..kaya lumalabas ang sakit ko..bulag,pipi at bingi para makaiwas lang.. kaya minsan mas gumagrabe ang sama ng loob ko sa lahat.. kahit hindi naman dapat.. alam ko mali pero yun ang dapat ko gawin kundi umiwas at gamitin ang sakit kong bulag,pipi at bingi.kaya mas maigi nalang tumawa para hindi ko masyado maramdaman ang sakit na nararamdaman ko pero habang tumatagal lalo ako nagagalit sa mundo. marami bagay na ako iniiwasan,iniwan, hinayaan ngunit sila parin ang pilit na lumalapit sakin..maitanung ko lang! anu bang problema nyo? pinagbigyan ko na kayo anu pa ba kulang? hanggang kailan kayo ganyan? anu pa ba gusto nyo? di kasi mawala sa isip ko lahat ng pinaggagawa nyo.. idaan nalang kya natin sa palakasan at basagan ng mukha? maaaring nagkakamali lang ako sa mga inaakala ko ..sana nga.. pero ito ang nararamdaman ko .. kaya ito ang isusulat ko.. pakatapos ng yari sakin.. parang hirap matiwala ulit lalo na sa mga bago tao nakakasalamuha ko.. sinusubukan ko naman.. di ko lang talaga maiwasan ang maduda.. lalo ngayon dalang dala na ako sa mga nakasama ko .. iba ibang ugali.. iba iba din pakikisama atiba ibang pakikitungo.. may mga bagay- bagay ako natutunan sa kanila.. pero nabulag ako sa kamalian na ginagawa ko dahilan sa masaya ako na kasama ko sila.. naging pipi ako sa mga bagay na kami lang ang nakakaalam at ung mga bagay na mali pero kailangan ko manahimik dahil marami ang madadamay , masasaktan at ang masama sa lahat ang masira ng buhay ng iba.. hirap itago ang mga bagay na yun pero kailangan.kailangan ko maging bingi dahil dun. Nabingi ako sa lahat na bagay ,marami ako di pinakinggan dahilan sa may iisa ako hangarin.. at marami ako bagay na nakaligtaan kaya ngayon meron ako konting pinagsisihan ako.. may tutuwid ko pa naman yun pero hindi na lahat.. at wala talaga ako balak na lahatin dahil dilahat ng baluktot ay kailangan na ituwid.. kasi kung minsan ka man nagkaroon ng baluktot sa buhay mu ituwid mu kung kinakailanagn pero kung nakakaabala na sau at sa iba.. aba putulin muna baka kumulot pa ang dating baluktot.. ngayon ko lang na patunayan minsan maganda rin maging bulag,pipi at bingi.. wala kang nakikita magandahan o kalagiman sa paligid mo ,wala kang naririnig na makamundong bagay at wala kang maririnig na matatamis na kasinungalingan .. wala kang masasabi makakasama at makaksira sa iba.. pero malaking pasalamat ko parin at pinanganak ako na normal..kahit nabubuhay tayo sa mundong puro makasalanan.. kailangan na natin minsan maging bulag pipi at bingi kung ito ang nararapat ngunit kung ito'y nakakasama na sa iba at meron na itong malaking epekto sa lahat .. kailangan na natin imuklat ang mga mata natin sa pagiging bulag , palawakin natin ang ating pangdinig at pakawalan ang sarili sa pagiging bing,at umpisahan na nating masalita sa pagigigng pipi..
Sa panahon talaga kasi ngayon napansin ko.. Naging bukas ang pag unawa ko para sa iba ang tanung ko lang bukas din ang ang pag unawa nyo para sakin? kung hindi man bukas ang pag unawa nyo para sakin "WALA AKONG PAKI ALAM SAINYO ".................
maraming salamat sa lahat na nakasama ko..welcome sa mga bago daratin at sa mga nag-iwan tupang ina nyo sa mga a fork you kayo...
Sana sa mga darating na araw o panahon mabago na ang lahat na ito.. mahanapan ko na ng lunas ang ang mga bagay na ngapapahirap sakin.. at sana hindi na ako bulag sa nakikita ko,hindi narin sana ako pipi sa mga nalalaman ko at hindi na rin sana ako bingi sa mga bagay na dapat kong matutrunan..
maraming salamat sa lahat na nakasama ko..welcome sa mga bago daratin at sa mga nag-iwan tupang ina nyo sa mga a fork you kayo...
Sana sa mga darating na araw o panahon mabago na ang lahat na ito.. mahanapan ko na ng lunas ang ang mga bagay na ngapapahirap sakin.. at sana hindi na ako bulag sa nakikita ko,hindi narin sana ako pipi sa mga nalalaman ko at hindi na rin sana ako bingi sa mga bagay na dapat kong matutrunan..