Sunday, March 23, 2014

tao nga naman


ang TAO pagnahihirapan, reklamo ng reklamo pero 
GO parin sa mga ginagawa.
ang TAO pagnasasaktan iyak ng iyak o aray ng aray pero
 GO parin sa ginagawa.
 bakit di ka nalng tumigil sa ginagawa mu? 
kung di kana masaya?
hihingi ka ng tulong at advice pero di naman  makikinig ..
at ang masama 
GO ka parin 
mahirap talga tulungan ang TAO
lalo't  marunong na at
 alam na ang gagawin
 pero di alam panu gawin ng tama..
tao nga naman..
...

Sunday, February 23, 2014

"Bienzei and Athena "



"Bienzei and Athena "
Yan ang dalawa kong super kulit ko dalawang  pamangkin

Simula ng ipinangak sila 
ako na ang nag aalaga sakanila at ako na din ang tumayong tatay nila
habang wala ang mga tatay nila..

...
masarap pala pakinggan tawagin tito chuck
at gumanap na daddy chuckiedoll


Tuesday, February 18, 2014


"The man without a purpose is like
 a ship without rudder- a waif,
 a nothing, a no man"

Saturday, February 15, 2014

throwback today



      
  Kung di man ako naging mabuti sainyo.
 Sorry.
  kilala nyo naman ako minsan saliwa utak ko.. 
sana mantindihan nyo ko.

Sa bawat larawan iba't ibang kwento ang laman
sa bawat larawan iba't ibang katangian
isa ako sa naging kaibgan nyo

Sa bawat larawan iba't ibang tao ang nakasalamuha ko
sa bawat larawan iba't ibang pangarap ang narinig ko
isa ako sa tao nakinig sainyo

Sa bawat larawan iba't ibang pangalan ang ibinasag saakin 
sa bawat lawaran iba't ibang pangyayari ang nangyari
isang bansag lang ang tumatak sakin
isa akong kaibigan nyo
minsang isama sa lahat 
lahat lahat lahat

 Naiwan,nagpaiwan at handang magpaiwan
para sa iisang bansag
kaibigan




"Meet my new friends"
Iba-iba ang estado namin sa buhay
pero kung umasta ang isa't isa parang magkaka-edad lang
masaya ako na nakilala ko sila.



Jc, Khids, L.A
sila ung mga tropa ko madals kong nakakasama nung college 




"Second time swimming na mga ComSci"
feeling ko ako ang kuya nila dito
pero handa ako ganapan un
kasi kaibigan ko sila




"Christmas  Party naming mga Waiter at Waitress"
masaya itong araw na to.. 
kahit sinumpong ng hika ung isa kong kasama.. 




"Stand-by at PnC"


"Tech-Voch classmate in PNC(Pamantasan ng Cabuyao)"


"third year presentation of noli me tangere"
punong puno ng kasiyahan ng araw na ito.. 
i kept this picture na parang isang kayamanan ko
marami kami pinagdaanan ng mga to ng mga mokong na to..




"Third year friends ( 3-g class 2008)"
dito ko nakilala ang mga best friend ko 
at dito ko unang nakilala ang sarili ko


"My neihbor friends"
sila ung mga ka-brod ko dito sa Naga City
until now we are friends
kahit di kami ganun kadalas magkakasama ngayon..
 solid naman ang samahan namin.

sorry po sa hindi ko naisama sa pictures..
 medyo mahirap mamili e sa dami nyo..
 nextym naman..












imissyou

Monday, January 20, 2014



  bulag,pipi at bingi?
    bulag,pipi at bingi yan ako ngayon,kung saan marami ako nakikita ngunit bulag ako sa ngyayari ,nakakapagsalita ako ,ngunit pipi ako sa tunay kong  nararamdaman at maraming magagandang himig ako naririrnig ngunit, bingi ako sa katotohanan.
 Pilit kong ibukas ang mata ko sa lahat na maari kong makita ngunit nasasaktan ako sa nakikita ko kaya mas pipiliin ko nalang na pumukit at umiwas sa  mga nakikita ko.
Pilit kong sinasabi sa lahat ng naisin ko ngunit di naman nila ako pinapansin kaya mas nanaisin ko nalang manahimik at lumayo nalang kesa naman mabalewala ako. 
Pilit ko pinakinggan ang lahat na himig na naririrnig ko ngunit sa dulo nito ay puro matatamis na kasinungalingan lanman ang matatamo.
Hindi ko alam kung pinagkaitan lang ako ng tadhana? o ipinapakita na sakin ang tunay na mundo?na kung saan ako kabilang at kung saan ako nabubuhay. sinubukan ko ayusin ang mga bagay ngunit hindi ako pinalad,nagbakasakali ako ulit na maayos ngunit wala parin.hanggang kailan ako mananahimik sa nakikita ,naririrnig ko..? kung kailan huli na ba ang lahat? dapat ko pa silang pagkatiwalaan ? o dapat bang manahimik nalang ako? adami ng nayari a buhay ko parang isang panaginip nalang lahat..may magagandang nangyari sakin ngunit isang masasarap na alaala nalang ba iyon? panandalian lang ba talaga ang lahat ng bagay sa mundo? marami ako katanungang alam ko ang sagot pero hindi ako masaya sa resulta..meron pa ako hinahanap na mas magandang sagot sa lahat ng katanungan ko..Isa sa mga katanungan ko sa buhay.. bakit ba marami masasamang loob sa mundo? marami sagot dito.. isa dito sagot  "PERA" kya sila kumakapit sa patalim dahilan sa gutom. nagiging bulag sila sa mga bagay na ginagawa nila.nagiging pipi sila dahil hindi nila gusto ipaalam na sa lahat ganun ang ginagawa nila ..nagiging bingi sila sa bagay na mali pero nagiging tama dahilan sa kanilang pangangailangan.. ?Hanggang kailan ba magiging ganito ang tao.. gahaman,marahas,mapusok at makatao pamamaraan.. gusto ko na na ito matigil.. Ngunit sa kada-indibitwal na tao.nagyayari to ..hindi ko alam kung anu ang dahilan nila bakit sila ganyan. hindi ko alam kung dapat ko apaba sila intindihin o hayaan ko nalang sila sa ginagawa nila. Ikaw masaya ka ba sa mga nakikita mu sa araw araw sa buhay mu? ako hindi. lalo't ganito ang sitwasyon ko..magulo utak ko sa mga bagay bagay na hindi ko naman dapat iniisip.. pero hindi naman ako tinatantatanan.. kaya nawawala na ako sa focus sa dapat kong unahin at dapat .maraming temptasyon na dumarating sakin pero hindi  lahat naiiwasan at minsan di ti ko talaga kayang iwasan minsan ito pa ang dahilan kung bakit ako napapasama sa mga ginagawa ko..kaya lumalabas ang sakit ko..bulag,pipi at bingi para makaiwas lang.. kaya minsan mas gumagrabe ang sama ng loob ko sa lahat.. kahit hindi naman dapat.. alam ko mali pero yun ang dapat ko gawin kundi umiwas at gamitin ang sakit kong bulag,pipi at bingi.kaya mas maigi nalang tumawa para hindi ko masyado maramdaman ang sakit na nararamdaman ko pero habang tumatagal lalo ako nagagalit sa mundo. marami bagay na ako iniiwasan,iniwan, hinayaan ngunit sila parin ang pilit na lumalapit sakin..maitanung ko lang! anu bang problema nyo? pinagbigyan ko na kayo anu pa ba kulang? hanggang kailan kayo ganyan?  anu pa ba gusto nyo? di kasi mawala sa isip ko lahat ng pinaggagawa nyo.. idaan nalang kya natin sa palakasan at basagan ng mukha? maaaring nagkakamali lang ako sa mga inaakala ko ..sana nga.. pero ito ang nararamdaman ko .. kaya ito ang isusulat ko.. pakatapos ng yari sakin.. parang hirap matiwala ulit lalo na sa mga bago tao nakakasalamuha ko.. sinusubukan ko naman.. di ko lang talaga maiwasan ang maduda.. lalo ngayon dalang dala na ako sa mga  nakasama ko .. iba ibang ugali.. iba iba din pakikisama atiba ibang  pakikitungo.. may mga bagay- bagay ako natutunan sa kanila.. pero nabulag ako sa kamalian na ginagawa ko dahilan sa masaya ako na kasama ko sila.. naging pipi ako sa mga bagay na kami lang ang nakakaalam at ung mga bagay na mali pero kailangan ko manahimik dahil marami ang madadamay , masasaktan at ang masama sa lahat ang masira ng buhay ng iba.. hirap itago ang mga bagay na yun pero kailangan.kailangan ko maging bingi dahil dun. Nabingi ako sa lahat na bagay ,marami ako di pinakinggan dahilan sa may iisa ako hangarin.. at marami ako bagay na nakaligtaan kaya ngayon meron ako konting pinagsisihan ako.. may tutuwid ko pa naman yun pero hindi na lahat.. at wala talaga ako balak na lahatin dahil dilahat ng baluktot ay kailangan na ituwid.. kasi kung minsan ka man nagkaroon ng baluktot sa buhay mu ituwid mu kung kinakailanagn pero kung nakakaabala na sau at sa iba.. aba putulin muna baka kumulot pa ang dating baluktot.. ngayon ko lang na patunayan minsan maganda rin maging bulag,pipi at bingi.. wala kang nakikita magandahan o kalagiman sa paligid mo ,wala kang naririnig na makamundong bagay at wala kang maririnig na matatamis na kasinungalingan .. wala kang masasabi makakasama at makaksira sa iba.. pero malaking pasalamat ko parin at pinanganak ako na normal..kahit nabubuhay tayo sa mundong puro makasalanan.. kailangan na natin minsan maging bulag pipi at bingi kung ito ang nararapat ngunit kung ito'y nakakasama na sa iba at meron na itong malaking epekto sa lahat .. kailangan na natin imuklat ang mga mata natin sa pagiging bulag , palawakin natin ang ating pangdinig at pakawalan ang sarili sa pagiging bing,at umpisahan na nating masalita sa pagigigng pipi..
 Sa panahon talaga kasi ngayon napansin ko.. Naging bukas ang pag unawa ko para sa iba ang tanung ko lang bukas din ang ang pag unawa nyo para sakin? kung hindi man bukas ang pag unawa nyo para sakin "WALA AKONG PAKI ALAM SAINYO ".................
maraming salamat sa lahat na nakasama ko..welcome sa mga bago daratin  at sa mga nag-iwan tupang ina  nyo sa mga a fork you kayo...

  Sana sa mga darating na araw o panahon mabago na ang lahat na ito.. mahanapan ko na ng lunas ang ang mga bagay na ngapapahirap sakin.. at sana hindi na ako bulag sa nakikita ko,hindi narin sana ako pipi  sa mga nalalaman ko at hindi na rin sana ako bingi sa mga bagay na dapat kong matutrunan..

Thursday, January 2, 2014

Di ko alam kung bakit?

hi..sayo
   Alam mo bang ikalawang araw ngayon ng taon na to at ikatlong post ko na to sa blogger. hanggang ngayon di ko pa tlga alam kung ano ang ilalagay ko dito sa blog na ito...tungkol ba sakin ,sayo, sa araw araw na ngyayari akin o wala lang masabi lang na astig kasi may blog ako.. eh puro kababuyan lang naman ang nasaisip ko at puro katarantaduhan lng naman ang pinaiiral ko sa araw araw.. kaya wala ako magawang matino.. kaya tingin sakin ng lahat marami ako gusto sa buhay.. oo aminado ako ..oo marami talaga ako gusto gawin pero hind sa ngayon .. unti unti lang.. di kaya ng kalaban hahaha ...
sabi ni beaulah e masaya daw ito pag bblog kaya naiintriga talaga ako hanggang ngayon.. kaya maingat kong pinag iisaipan kung ano ba taga dapat ang ilagay ko dito.. 
   Sasabog na ang ilong ko kakaisip talaga kung saan ako mag uumipisa ngayon lalong lalo na dito sa blog ko..noon ko pa gusto matuto mag-blog.. buti nalang eh.. may nakilala ako tao marunung nito.. hahaha un na nga syempre ako naman .. porsegido malaman.. hahaha ayon ng try ako lagi ko binabasa mga blog nya. natutuwa naman ako kahit di ko alam kung anu ipinupunto nya..binabasa ko parin . hahaha nagtry din ako mag basa ng ibang blog.. ayun okie naman mukhang masaya sila sa pinagagawa nila.. siguro naienjoy tlga nila ang pa-blog nila
nakakaingit kasi ung nakita ko kanina.. ang sweet nung bago kasal hahaha talaga ipinost pa nila lahat lahat na ngyari sa kasal nila... hahaha lamang lang sila kasi may camera sila hahaha hintayin nyo ako magcamera tatalbugan ko kayo hahaha.. pero may tanong lang ako sa isip ko.. para saan ba tlaga to pinagagawa ko.. ng mumukha tuloy ako baduy sa ginagawa ko..?
 ito na ba ung sinasabi nya na enjoyment...? hahaha medyo nararamdaman ko na ung enjoyment na sinasabi ni beaulah .. medyo nakokornihan lng ako konti kasi di ko pa alam kung ano talaga ilalagay ko.. sa bagay naguumpisa plang naman ako.. teka ang haba na ata ng intro ko hahaha ... basta masaya ako ngayon... un ang gusto ko sabihin ngayong sa araw na ito sa blog ko.. di ko maexplain kasi di ko talaga alam kung saan ako humuhugot ng kasiyahan ngayon.basta nagpapasalamat ako sa taong naturo sakin magblog hahaha nakakahiya man sabihin .. medyo na kakamove forward na ako sana magtuloy tuloy na to hahaha.. salamat talaga salamat..sa iksi ng panahon na nagkakilala tayo marami ako na realize.. hahah dami ko pla talagang katangahan .. pero dun ako  nabubuhay sa pinagagawa ko .dun din nabuo ang pagkatao ko na sya rin sumira  hahaha pakorni ng pakorni hahaha ngayon dito ako mag uumpisa ng panibago yugto.. hahaha satingin ko mahirap.. pero kakayanin problema lang yan hahaha bahala kayo mamoblema sakin.. basta masya ako kahit di ako tumawa kahit di ako nakangiti.. alam ko sa sarili ko di ako nag iisa kahit iniwan nyo ako.. at may mga tao natira sakin kahit marami ang nawala sakin hahaha..at alam ko sa pagbalik ko may naghihintay parin sakin ko kung saan ako nagbinata.. hahaha parang ayoko umalis.. pero nakaplano na lahat sorry sa lahat na iiwan ko.. sana sapat na yung mga panahong nasa tabi nyo ako.. at sana di nyo ako makalimutan kahit sobra kong kulit.. ganito ako e.. pano di ko alam kung pano ko to tatapusin .. hahaha basta maraming maraming salamat sa taong ng turo sakin magblog.. hanggang dito nlng muna nextime ulit ha..







imissyou.....